Bilang tugon sa naranasang pagbaha sa Commonwealth Avenue, patuloy ang isinasagawang pagsasaayos ng drainage system ng Quezon City Government sa pangunguna ng Department of Engineering sa mga lansangan malapit sa MRT-7 stations sa Don Antonio at Batasan.
Kabilang sa mga ginagawa ang paglalagay ng karagdagang reinforced concrete pipes (RCP), pag-alis ng mga basurang nakabara sa drainage lines, pagsasagawa ng de-clogging, at pagtanggal ng mga obstruction gaya ng mga decommissioned electrical posts na humaharang sa mga drainage inlets.
Layon ng mga gawaing ito na maiwasan ang pagbaha sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Paalala din sa mga QCitizen na ugaliing magbukod at magtapon ng basura sa tamang basurahan. Huwag ding magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at ilog dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot naman ng matinding pagbaha.




