Nakatutok pa rin ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council upang i-monitor ang kalagayan ng mga pamilya na kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers na inilikas kahapon bilang paghahanda sa pananalasa ng #PaengPH sa lungsod.

Nagsagawa rin ng QCDRRMC ng operations briefing para sa mga magiging hakbang at tulong ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong QCitizen.