Bilang bahagi ng paggunita ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) week, nakiisa ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Kasabay nito nilagdaan ng mga city officials, sa pangunguna ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council, ang Pledge of Commitment to stay drug-free.

Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 124 na nilagdaan noong November 26, 2001, ginugunita tuwing ikatlong linggo ng Nobyembre ang Drug Abuse Prevention and Control Week.

Noong Sabado, isinagawa ng lokal na pamahalaan ang “BIDA KA DABARKADS! Takbo Laban sa Droga: Malusog na Pangangatawan at Matalas na Kaisipan” youth fun run katuwang ang QCADAAC at Office of Vice Mayor Gian Sotto.

+6