Matagumpay na nailunsad ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) ang Music Video-Making Contest bilang bahagi ng selebrasyon ng Drug Abuse Prevention and Control Month 2022 na may temang “Itono ang Buhay Tungo sa Mabuting Kalusugan, Droga ay Iwasan.”
Nakipagtagisan ng galing ang top 10 finalists na binubuo ng mga Grade 12 Senior High School students sa lungsod noong November 26, 2022.
Naging matagumpay ang programang ito na pinangungunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, QCADAAC Executive Director Mr. Alfredo Foronda, at QCADAAC Action Officer Ms. Christella Buen.
Dumalo sa okasyon ang aktres na si Ms. Ciara Sotto bilang kinatawan ni Vice Mayor Gian Sotto. Nagsilbi namang mga hurado ang mga musician na sina John Michael San Pascual, Rivah-Anne Singson, at si QCADAAC admin head Clint Edward B. Gamboa.
Narito ang official list of winners para sa Infomercial Music Video Making Contest 2022:
1st Place: Eulogio Rodriguez Jr. High School
2nd Place: Eugenio M. Lopez Senior High School
3rd Place: San Bartolome High School
4th Place: Flora A. Ylagan High School
5th Place: Jose V. Palma Senior High School