Sa patuloy na layuning maging ligtas sa iligal na droga ang Lungsod Quezon at mga residente nito, kinilala ng lokal na pamahalaan ang 11 drug-cleared barangays ngayong araw.

Ang mga barangay na ito ay ang Project 6, Sto. Cristo, Veterans Village, Batasan Hills, San Isidro Galas, Sto. Nino, Kamuning, Sikatuna, Malaya, Sta. Monica, at San Bartolome.

Sa ilalim ng Barangay Drug Clearing program ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council, malinis na sa impluwensya ng droga ang 94 barangay sa lungsod.

Pinarangalan din nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, kasama ang mga konsehal, ang QC Police Station 4 (Novaliches) para sa pagtala nito ng “most number of drug cleared barangay,” at “most number of operations” simula Enero 2023.

Kasabay nito ang pag-award din sa QCPD-District Drug Enforcement Unit dahil sa kanilang “most number of confiscated drug” sa lungsod. Umabot sa 3.5 kgs ng shabu ang kanilang nasabat na nagkakahalaga ng P24 million.