Namahagi ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS para sa 2,250 mga residente ng District 1, 3 at 4.

Ito ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, Social Services Development Department, at opisina ni Senator Bong Revilla.

Ang AICS ay tulong pinansyal ng DSWD para maalalayan ang mga mahihirap na pamilya o indibidwal sa anumang ‘unexpected crisis’ tulad ng malubhang sakit o pagkamatay ng mga miyembro ng pamilya.

+26