Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Idinaos sa Quezon City MICE Center ang joint press conference ng DSWD, SSS, PSA, at DEPDev na tumalakay sa UPLIFT Assistance program na layong tugunan ang 7.5 milyong indigent at low-income households sa bansa.
Kabilang sa programa ang mga benepisyaryo ng 4Ps, Walang Gutom Program, mga pamilyang nakatala sa 2024 Community-Based Monitoring System, at mga low-income workers bilang tugon sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin sa merkado.
Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang presscon kasama sina DEPDev Asec. Reynaldo Cancio, Senior Vice President Atty. Jonathan Jimenez at Department Manager Maria Joyce M. Obispo ng SSS.










