Mga programa para sa pagsisiguro ng kapakanan at karapatan ng mga QCitizen ang ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte sa pagbisita nina Dutch Human Rights Ambassador HE Bahia Tahzib- Lie at Dutch Ambassador to the Philippines HE Marielle Garaedts sa QC Hall.
Ipinaliwanag ni Mayor Joy kung paano pinoprotektahan ng lungsod ang karapatang pantao, tulad ng pagtatatag ng community-based treatment and rehabilitation program para sa mga drug dependent, at pagsasabatas ng QC Gender Fair Ordinance.
Ibinida rin ng alkalde ang mga pasilidad ng QC para sa mga vulnerable sector tulad ng Quezon City Protection Center, Bahay Kanlungan, Bahay Aruga, at Molave Youth Home. Ipinaliwanag niya ang No Woman Left Behind Program para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Bumisita rin sila sa QC Female Dormitory at pumunta sa mga pasilidad nito tulad ng Mother and Child area, Livelihood shop, at Workshop area.
Kasama ni Mayor Joy na sumalubong sa mga delegado mula sa the Netherlands sina QC Tourism Department OIC Tetta Tirona, Gender and Development TWG Office chief Janet Oviedo, Spark! Philippines Executive Director Maica Teves, at QC Female Dormitory Jail Warden JSupt. Maria Ignacia Monteron.