Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Masayang ipinagdiwang ng Quezon City ang National Teachers’ Day para sa mga Early Childhood Care and Development teacher ng lungsod.
Pagkilala ito sa kanilang dedikasyon at walang sawang serbisyo sa paghubog ng kaalaman at kakayahan ng mga batang QCitizen.
Sa QC, iba-ibang programa ang hatid para sa ECCD teachers tulad ng oportunidad na makakuha ng teaching units o makapag-aral muli ng Bachelor of Early Childhood Education sa Quezon City University.










