Sumailalim sa Early Childhood Care and Development seminar ang aabot sa 318 day care workers mula sa District 1 to 6 ng Quezon City.
Layon nitong mabigyan ng kasanayan ang mga daycare worker sa pade-detect at pagtutukoy ng disability at disorder sa mga bata na naka-enroll sa mga daycare center.
Ang pagsasanay ay binuo sa pagtutulungan ng QC Kabahagi Center for Children with Disability at Social Services Development Department.