Vote wisely, QCitizens!
Nauna nang bumoto ang mga residenteng senior citizen, persons with disabilities, at buntis ngayong #Halalan2025.
Itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) ang early voting hours (EVH), mula 5:00AM hanggang 7:00AM, para sa mga partikular na sektor nang makaiwas sa init at mas mahabang pila.
Nakaantabay naman ang Quezon City Government at ang ilang non-government organization para magbigay suporta at matiyak ang maayos, ligas, at payapang National and Local Elections.




