QCitizens, today is Earth Day!
Ipinagdiriwang tuwing April 22 ang #EarthDay upang itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng kalikasan at kung paano ito mapangangalagaan.
Ang tema ngayong taon ay “Our Power, Our Planet”, bilang panawagan sa buong mundo na magkaisa sa pagsulong ng malinis at renewable energy sources.
Sama-sama tayong makibahagi sa energy efficiency and conservation programs ng lungsod upang makamit ang ligtas na kapaligiran at mas #LuntiangQC.
