April 22 is Earth Day! 🌎

QCitizens, ngayong #EarthDay2024 na may temang ‘Planet vs Plastics’, makiisa sa panawagan na wakasan ang plastic pollution sa mundo sa pamamagitan ng paggamit ng eco-friendly alternatives sa halip na plastik.

Sa Quezon City, patuloy na isinusulong ang mga ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng plastic bag at single-use plastic sa mga pamilihan at restaurants sa lungsod.

Para sa isang malinis at luntiang kapaligiran, halina’t makiisa sa iba-ibang programang pangkalikasan ng lokal na pamahalaan.