LIGHTS OFF FOR THE FUTURE & PLANET!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang ceremonial switch off ng non-essential lights sa Robinsons Magnolia bilang pakikiisa ng Lungsod Quezon sa #EarthHour2025 kagabi.
Sa kanyang talumpati, hinimok ng Alkalde ang mga business establishment at QCitizens na makibahagi sa taunang selebrasyon dahil makatutulong ito upang maibsan ang epekto ng climate change.
Binigyang-diin ni Mayor Joy na ang inisyatibong ito ay hindi lang para sa kasalukuyan, kundi para sa mga susunod pang henerasyon.
Bahagi ng programa ang film screening ng pelikulang “A Thousand Forests,” booths para sa Kilo/s Kyusi clothes donation drive at Trash to Cashback Program ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD).
Nagbigay liwanag sa loob ng isang oras ang mga live performance ng QC Performing Arts – Concert Chorale, QC Symphonic Band, at Buganda.
Kasama ni Mayor Joy sa seremonya sina Coun. Irene Belmonte, Coun. Vito Generoso, P/B Christopher Cheng, P/B Ma. Ganda Yap, CCSED head Andrea Villaroman, QC Department heads, Robinsons Malls’ VP and Head of Operations and Marketing Joel Lumanlan, at iba pang opisyal ng Robinsons Magnolia.




