Dumalo si Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia sa Ease of Doing Business (EODB) Convention 2024 sa Sheraton Manila Hotel, Pasay City na pinangunahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Ibinahagi ni BPLD Head Mejia ang iba-ibang programa at proyekto ng lokal na pamahalaan na nagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga negosyanteng QCitizen upang mas mapadali ang pagbubukas ng negosyo at pagkuha ng permits sa lungsod, kabilang narito ang makabagong Market One Stop Shop (MOSS) at Business One-Stop Shop (BOSS).
Binigyang pagkilala rin ng ARTA ang mga lokal na pamahalaan sa bansa, kabilang na ang Quezon City Government, dahil sa ganap na itong Fully-Automated Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).
Patuloy ang Quezon City sa pagbibigay ng mga hakbang upang mas mapabilis ang proseso ng pagnenegosyo sa lungsod at makamit ang sabay-sabay na pag-unlad.