Naimbitahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head, Margie Santos upang maging panelist sa isinagawang Ease of Doing Business (EODB) Forum sa Pasig.

Naging pagkakataon ang EODB forum para talakayin at patatagin ang mga polisiya na magpapalakas sa economic resiliency ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa NCR.

Ibinahagi ni Ms. Margie sa panel discussion ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan ng Quezon City para suportahan at maitaguyod ang resilience ng mga MSMEs sa lungsod.

+14