Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kung gaano kahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor sa ginanap na Public-Private Partnership for Safer Cities panel discussion na side event ng 2024 Partnership Forum of the Economic and Social Council (ECOSOC).
Ayon sa alkalde, krusyal ang suporta ng pribadong sektor sa lokal na pamahalaan lalo na sa pagtulong sa libo-libong kliyente ng QC Protection Center. Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng lungsod sa mga negosyo at establisemyento para matiyak ang isang inclusive at safe workplace para sa lahat.
Binigyang-diin din ni Mayor Joy na target ng lungsod ang long-term relationship sa bawat NGO at pribadong sektor, upang mas marami pang QCitizen ang makinabang at maiangat ang antas ng pamumuhay.
Nagsilbing moderator ng programa si Red Dot Foundation Founder and CEO Elsa Marie D’Silva. Naroon din sa panel discussion sina Bayi, Inc. Co-Executive Director Maya Tamayo, at Chennai Team lead and Gender and M&E expert Meera Sundararajan.




