Empowering Teachers, Advancing Literacy!
Nakilahok ang mga English teacher mula sa 72 pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan, kasama ang mga Public School District Supervisor, sa “Re-Orientation Workshop on the SRA Reading Laboratory” na isinagawa ng Quezon City Government, katuwang ang Schools Division Office of Quezon City at Abiva Publishing House.
Layon ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga guro sa pagpapatupad ng mga epektibong reading intervention para masuportahan ang literacy development ng mga mag-aaral.
Pinangunahan ni Ms. Rinna Mae Cruz ng Abiva Publishing House ang workshop bilang facilitator.
Tinalakay sa session ang wastong paggamit at pagpapatupad ng SRA Reading Laboratory, isang K-12 reading program na may self-guided at leveled reading materials na tumutulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kakayahan at kumpiyansa sa pagbasa ayon sa kanilang sariling antas at bilis ng pagkatuto.
Mula noong 2023, patuloy na pinagtitibay ng lokal na pamahalaan ang adbokasiya nito sa literacy development sa pamamagitan ng pagbili at pamamahagi ng kabuuang 351 SRA boxes sa mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod.
Mahalagang bahagi ang mga kagamitang ito sa pagpapalakas ng mga reading program at learning initiative ng Quezon City.










