Sama-samang suporta sa pagbasa ng mga mag-aaral sa QC!
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral, nagsagawa ang Quezon City Government, sa pakikipagtulungan ng Schools Division Office of Quezon City, ng re-orientation para sa wastong paggamit ng Wikahon, isang reading intervention na ginagamit sa mga pampublikong paaralan.
Noong 2023 at 2024, nakapagbahagi ang lungsod ng 408 Wikahon sets sa 45 pampublikong elementarya.
Ang mga ito ay naglalaman ng mga babasahin at learning activities na tumutulong sa pagpapaunlad ng pagbasa, pag-unawa, at pagsusulat ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6.
Pinangunahan ni Teacher Camille Quiambao ng Adarna House ang re-orientation, kung saan ibinahagi niya ang mga estratehiya at pinakamahusay na paraan ng paggamit ng Wikahon upang higit na masuportahan ang pagkatuto ng mga bata.
Dinaluhan ito ng halos 300 guro at 17 Public Schools District Supervisors mula sa iba-ibang paaralan sa lungsod.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga guro, paaralan, at mga katuwang sa edukasyon, patuloy nating pinalalawak ang mga programang tumutulong sa mga
mag-aaral na mahubog ang kanilang kakayahan sa pagbasa—isang mahalagang pundasyon ng kanilang pagkatuto at tagumpay sa paaralan.










