Lumahok sa educational activities ang mga kabataan at nilibot ang water management facilities sa La Mesa Watershed, sa pangangasiwa ng Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department katuwang ang Maynilad Water Services, Inc., Quezon City Bangsamoro Affairs Service, at Quezon City Youth Development Office.
Ipagpapatuloy ang activity sa mga susunod na buwan kung saan iba’t ibang stakeholders naman ang iimbitahin upang mas matuto pa kung paano pinamamahalaan ang water supply sa lungsod.