Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pangangailangan ng mga solo parent at persons with disabilities (PWDs), personal na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang cash aid sa mga benepisyaryong QCitizen kanina sa QC Hall Risen Garden.
Sa ilalim ng educational assistance program ng Social Services Development Department (SSDD), nakatanggap ng P5,000 ang 362 PWDs at 318 solo parents. Katuwang ng alkalde sa distribusyon si COS at SSDD OIC Rowena Macatao.
Ayon sa SSDD, target ng lokal na pamahalaan ngayong taon na mabahagian ang 1,000 PWD students sa lungsod ng tulong pinansyal bilang suporta sa kanilang pag-aaral.