Aabot sa 449 children with disability ang nabigyan ng educational assistance ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ng Social Services Development Department (SSDD).
Ang mga benepisyaryo ay enrolled sa mga pampublikong paraalan sa kasalukuyang school year (SY 2024-2025).
Layon ng lokal na pamahalaan na makatulong sa mga magulang, at maibsan ang gastusin na kinakailangan sa pag-aaral ng kanilang mga anak.




