TUGON SA SOLO PARENTS!
Nakatanggap ang 500 solo parents ng P5,000 educational assistance mula sa lokal na pamahalaan na layong makatulong sa matrikula ng kanilang mga nag-aaral na anak.
Personal itong ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte kasama si Social Services Development Department head Carolina Patalinghog.
Inihayag ng alkalde na aabot sa 50% ng budget ng lungsod ang nakalaan sa social services programs at projects para sa mga pangangailangan ng QCitizens.