Naging makabuluhan ang ginanap na EducationUSA University Fair Spring 2026 sa QC M.I.C.E. Center sa pagtutulungan ng Quezon City Government, ng U.S. Embassy in the Philippines, at ng EducationUSA upang mabigyan ang mga estudyante ng access sa world-class education opportunities sa United States.
Binigyang-diin ni Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla, na dumalo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, ang kahalagahan ng accessible at quality education sa paghubog ng progresibong mga estudyante at komunidad. Ibinahagi rin niya ang education at scholarship programs ng lungsod bilang suporta sa mga adbokasiyang ito.
Tampok sa fair ang booths mula sa accredited colleges at universities sa U.S., training agencies, U.S. Embassy, Quezon City Youth Development Office (QCYDO), at iba pang partner organizations na nagbahagi ng impormasyon tungkol sa undergraduate programs, vocational at academic pathways, scholarships, at educational exchange opportunities.
Dumalo rin sina Ms. Jessica Simon, Counselor for Public Affairs ng U.S. Embassy in the Philippines at QCYDO Head Dr. Eddilyn Dividina bilang pakikiisa sa pagsusulong ng globally competitive na edukasyon para sa kabataang QCitizens.










