Eid Mubarak!
Sama-samang nag-alay ng panalangin ang mahigit 12,000 Filipino Muslim ngayong araw sa Quezon Memorial Circle bilang bahagi ng pagdaraos ng Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.
Tampok din ang masasarap na Halal delicacies at iba pang produkto sa bazaar na inorganisa ng The Philippine Ulama Congress Organization Inc., ZOUQ PH, QC Bangsamoro Affairs Service, at Quezon City Government.
Maaaring bisitahin ang Halal Bazaar mula April 10-11, 2024 na matatagpuan sa QMC.




