EID MUBARAK!
Maagang nanalangin ang mga Muslim QCitizens sa Quezon Memorial Circle (QMC) bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ngayong Biyernes.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa programa kasama si QC Bangsamoro Affairs Service head Jameel RM Jaymalin upang makadaupang palad ang mga muslim brothers and sister na taga Lungsod Quezon.
Sa talumpati ng Alkalde, inihayag niya ang mga programa at serbisyo ng lokal na pamahalaan na handang tumugon sa muslim communities sa lungsod.
Kasama ang mga scholarships at school supplies para sa mag-aaral, oportunidad sa negosyo sa ilalim ng PangkabuhayangQC, pabahay, at ang inihahandang Islamic Cemetery.
Binisita rin ni Mayor Joy ang Halal Food Bazaar sa Flower Garden ng QMC.




