Pormal nang binuksan ang La Naval Exhibit sa QC Underparadisso!
Tampok sa exhibit ang mga larawan sa mga isinagawang El Recorrido De La Virgen (Ang Paglibot ng Birhen), na nagpapakita ng malalim na pananampalataya ng mga QCitizen sa La Naval.
Pagkilala rin ito sa makulay at mayamang tradisyon at kultura ng Lungsod Quezon.
Maaaring bisitahin ang exhibit sa QC Underparadisso (underpass na nagko-konekta sa QC Hall at QMC) hanggang October 31, 2025.
Ang ribbon-cutting at blessing ng exhibit ay pinangunahan ni QC Tourism Department (QCTD) OIC Giana Aira Barata, Internal Audit Service Head Atty. Noel Gascon, at National Shrine of the Most Holy Rosary Prior of the Sto. Domingo Convent Rev. Fr. Winston Ferdinand Roman I F. Cabading, O.P.








