Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Maagang ipinagdiriwang ng mga senior QCitizen ang Father’s Day!
Sari-saring aktibidad ang inihanda ng Department of Geriatric Medicine ng Quezon City General Hospital para sa mga lolo at lola, sa ilalim ng kanilang Elderly Day Care program.
May kantahan, sayawan, at palaro na masayang sinalihan ng mga senior.
Ang Elderly Day Care program ay isa sa mga inisyatibo ng QCGH para sa mga senior citizen. Iba-ibang aktibidad ang inihahanda para sa kanila, tulad ng lecture tungkol sa iba-ibang sakit at mga recreational activities at arts and crafts.










