Happy Elderly Filipino Week, Senior QCitizens! ![]()
![]()
![]()
Ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Oktubre ang Elderly Filipino Week o Linggo ng Katandaang Filipino, alinsunod sa Proclamation No. 470, s. 1994.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Embracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose”.
Binibigyang-diin nito na ang pagyakap sa edad ay pagpapahalaga sa yaman ng karanasan at karunungang dala ng pagtanda. Paalala rin ito na ang mga nakatatanda ay may makabuluhang papel pa rin sa lipunan—na sila ay may karapatang mamuhay nang may dignidad at magkaroon ng layunin para sa bayan.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsusulong ng mga programa at pagtataguyod ng kapakanan ng bawat senior citizen upang lubos silang maalagaan at makalinga.
Tingnan dito ang listahan ng ilan sa mga benepisyong natatanggap ng mga rehistradong senior citizen sa ating lungsod: https://quezoncity.gov.ph/senior-citizen-benefits/
Para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Office for the Senior Citizens’ Affairs (OSCA):
Ground Floor Community Center Building, Gate-3 Quezon City Hall Complex, Kalayaan Avenue, Quezon City
8988-4242 Loc. 1104 /8703-2843
OSCA@quezoncity.gov.ph




