Happy Filipino Elderly Week, Senior QCitizens!
Alinsunod sa Proclamation 470 s. 1994, ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Oktubre ang Elderly Filipino Week o Linggo ng Katandaang Filipino.
Ang tema ng paggunita ngayong taon ay “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan”.
Layon nitong bigyang-diin ang halaga at dignidad ng mga senior citizen, itaguyod ang kanilang mga karapatan, pakinggan ang kanilang mga opinyon, at pananaw sa mga usaping panlipunan, at kilalanin ang kanilang hindi matatawarang ambag sa bayan.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga serbisyo at benepisyo ng senior citizens sa Lungsod Quezon, maaaring makipag-ugnayan sa Office for the Senior Citizens’ Affairs (OSCA):
Ground Floor Community Center Building, Gate-3 Quezon City Hall Complex, Kalayaan Avenue, Quezon City
8988-4242 Loc. 1104 /8703-2843
OSCA@quezoncity.gov.ph






