Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Masigla at masayang pagdiriwang para sa ating QC Senior Citizens!
Higit 90 senior citizens mula sa Barangay Alicia, Barangay Ramon Magsaysay, at mga bisita mula sa ibang lungsod ang nakiisa sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week: “Sayawan, Tawanan, at Sigla” ngayong araw sa SB Hall ng Quezon City General Hospital.
Naghanda ang Department of Geriatric Medicine ng QCGH ng iba-ibang activities gaya ng mind games at mini runway walk na naghatid ng saya sa mga dumalo.
Nagbigay-sigla pa sa pagdiriwang ang mga inihandang performances ng ating lolo’t lola na nagpakita ng kanilang talento.










