ECO-FRIENDLY BUS SA QC!
Malapit nang pumasada ang mga electric QCity Bus sa Quezon City!
Ang mga e-QCity bus ay magiging bahagi ng mahigit 100 QCity Bus na nagbibigay ng libreng transportasyon at biyahe para sa QCitizens.
Mayroon itong 41-seating capacity at wheelchair ramps para sa mga persons with disability.
Ininspeksyon nina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Mike Alimurung, at ng Team QC ang walong e-QCity Bus ngayong umaga.
Ang pagsisimula ng pag-transition ng lungsod sa electric fleet ay alinsunod sa Republic Act No. 11697 o ang “Electric Vehicle Industry Development Act or EVIDA Law”.
Kapag electric na ang mga bus sa ilalim ng QCity Bus program, mas mapabuti pa ang kalidad ng hangin sa lungsod dahil makakabawas ito ng aabot sa 25 percent ng black carbon emission sa transportation sector.