Umarangkada na ang electric Q City Bus sa Quezon City!
Kasalukuyang pumapasada ang e-Q City bus sa Route 1 na dumadaan sa Cubao hanggang QC Hall at vice versa.
Mayroon itong 41-seating capacity at wheelchair ramps para mas accessible sa persons with disability. Pinapayagan din ang limitadong standing capacity para matiyak na ligtas at kumportable ang mga pasahero.
Patuloy naman ang pag-alalay ng mga enforcers ng Traffic and Transport Management Department para matiyak ang kaligtasan at maayos na pagbiyahe ng mga bagong electric bus.
Ang pag-rollout ng electric bus ay bahagi ng layunin ng pamahalaang lungsod na maipatupad ang Republic Act No. 11697 o ang “Electric Vehicle Industry Development Act” (EVIDA Law) at mapabuti ang kalidad ng hangin sa lungsod.
Narito ang updated bus route at schedule ng QCity Bus Service: https://www.facebook.com/share/p/1DvukcBUp9/