Nag-inspeksyon ang lokal na pamahalaan sa itinatayong elevated promenade na nagko-konekta sa Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.
Nilakad nina Mayor Joy Belmonte, City Engineer Atty. Dale Perral, City Architect Lucille Chua, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, Chief of Staff Rowena Macatao, at QMC Administrator Windsor Bueno ang promenade, na inaasahang magpapadali sa paglipat ng mga park-goer mula QMC sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife at vice versa.
Kapag natapos na ang elevated walkway, mas mabilis at mas ligtas nang makakapunta ang mga QCitizen sa mga pinakamalalaking parke sa lungsod.
Ang pagtatayo ng elevated promenade ay bahagi ng hangarin ng lungsod na madagdagan at mapalawig pa ang green open spaces para sa mga residente.