Nagtipon-tipon ang mga kinatawan ng national government, local government units, at international organizations sa Empowering Local Governments for Climate Action: Philippines’ NDC 2025 Development Workshop.
Sa kanyang welcome message, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng mga lungsod at munisipalidad sa pagbuo ng mga inklusibo at napapanahong programa para matugunan ang global climate crisis.
Kapag nakalinya ang climate change initiatives ng mga national at local government, mas tiyak na makakamit ang mga itinakdang climate targets ng bansa.
Ang Nationally Determined Contributions o NDC ay mahalaga para makamit ang goals at target na napagkasunduan sa Paris Agreement.
Sa pagbuo ng ikalawang NDC, sinisiguro ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Climate Change Commission (CCC) na marinig at malaman ang mga concern ng iba-ibang stakeholder para masigurong nakaayon sa kanilang pangangailangan ang mga estratehiyang nakapaloob sa NDC.




