Sinuportahan ng Quezon City Government ang pagtitipon na “Empowering Women Against Violence: Breaking the Culture of Silence.”
Ito’y bilang pakikiisa sa National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children.
Naging kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Majority Floor Leader Aly Medalla sa paghatid ng pambungad na mensahe.
Ibinahagi niya ang matatag na paninindigan ng lungsod: protektahan ang kababaihan, itaguyod ang kanilang karapatan, at tiyaking ligtas ang kanilang boses—lalo na ang mga kababaihang mamamahayag.
Matapang na nagbahagi ng kanilang gendered experiences at mga hamon sa industriya sina Jhoanna Ballaran, Gretchen Ho, Rhea Padilla, at Alyssa Mae Clarin.
Nagbigay-linaw ito sa sitwasyon ng mga kababaihan sa larangan ng pamamahayag.
Kasama rin sa programa ang makabuluhang talakayan mula sa akademiya, makasining na pagtatanghal, at isang makabuluhang art showcase mula sa mga mag-aaral.
Pinangunahan ang selebrasyon ng International Association of Women in Radio and Television – Philippines (IAWRT Philippines), kasama ang University of the Philippines – College of Media and Communication, Cavite State University – Imus Campus, Miriam College, Polytechnic University of the Philippines – College of Communication, QC Gender and Development Office, Public Affairs and Information Service Department (PAISD) at women advocates na sama-samang nanawagan para sa mas ligtas, mas inklusibo, at mas makatarungang lipunan para sa lahat ng kababaihan.
Tuloy ang laban para sa karapatan, kaligtasan, at kapangyarihan ng mga kababaihang mamamahayag. ![]()
![]()
#VAWFreeQC#WomenBreakTheSilence








