Pormal nang pinasinayaan nina Mayor Joy Belmonte at Department of Transportation Asst. Secretary James Andres Melad ang short-term end-of-trip cycling (EOT) facility sa QC.
Sa kabuuan ay nakapagpatayo na ng 15 units ng EOT facility sa buong QC ang Department of Transportation at Department of Public Works and Highways katuwang ang pamahalaang lungsod.
Layon ng end-of-trip cycling facilities na hikayatin ang mga QCitizens na tangkilikin ang pagbibiskleta o gumamit ng alternatibong transportasyon.
Nakiisa sa ribbon cutting ceremony sina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, at mga cycling group representatives.