Good news, mga ka-padyak!
Maaari ng magamit ang mga end-of-trip cycling facilities na matatagpuan sa iba-ibang lugar sa buong lungsod.
Sa kabuuan, mayroong 15 sets ng short term end-of-trip (EOT) cycling facility na binubuo ng limang bike racks, bicycle shed, at bike repair station.
Matatagpuan ang mga ito sa QC Hall Compound, PUP-QC, Ismael Mathay Sr. HS, Veterans Memorial Medical Center, Lung Center of the Philippines, at Amoranto Sports Complex.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng QC Government, Department of Transportation – Active Transport Project Office, at Department of Public Works and Highways.