MORE BIKE SHEDS IN QC SCHOOLS!
Pormal nang pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ang dalawang end-of-trip cycling facilities sa loob ng Ismael Mathay Sr. High School (IMSHS) ngayong araw.
Pinangunahan nina Assistant City Administrator Alberto Kimpo, Department of Public Order and Safety – Green Transport Division head Cora Medes, IMSHS Principal Ferdinand Fontilla, at Greenpeace Regional Director Yeb Saño ang ribbon cutting ceremony.
Umabot na sa 15 sets ng bike sheds ang pinasinayaan sa QC. Kumpleto ito sa bike racks, shed, at repair stations.
Prayoridad ang paglalagay ng mga bike sheds sa QC public schools upang mahikayat ang mga estudyante na ugaliin ang active lifestyle at pagbibisekleta.
Kasabay ng programa ang bike lessons para sa mga estudyante ng IMSHS. Tinuruan sila ng values formation sa daan, tamang hand signals, basic first aid, bike repairs, at mismong pagbibisekleta.