Wagi ang Quezon City sa Energy Efficiency Excellence (EEE) Awards ng Department of Energy!
Sa 5th Triple E awards na ginanap ngayong araw, pinarangalan ang Quezon City Government bilang isa sa mga Government Entities (LGU 1st class to 3rd class city) na nagpapatupad ng mga programang nakatuon at nagpapanatili sa energy efficiency.
Nakatanggap ng 5-star rating ang lungsod sa High Rise Building Category, bilang patunay sa pagtalima sa RA 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act.
Bagamat lumawak na ang mga pasilidad, napanatili pa rin ng lokal na pamahalaan ang implementasyon ng energy efficiency programs sa mga gusali at proyekto, partikular sa paggamit ng kuryente at pagpapalawig ng hybrid at electric vehicle fleet.
May mga itinalaga na ring Energy Conservation Officers at Technical Working Group sa lahat ng mga opisina para palakasin pa ang kampanya sa energy conservation.
Malugod na tinanggap nina City Administrator Mike Alimurung at Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman ang parangal, sa ginanap na awarding ceremony sa Grand Hyatt Hotel.







