Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng pamahalaang lungsod upang isulong ang kapakanan ng LGBTQIA+ community sa QC.
Naging isa sa mga tagapagsalita ang alkalde sa Panel Discussion na may temang, “Enhancing Queer Safe Spaces in the Philippines.” Idinaos ito ng German Embassy Manila sa pangunguna ni Amb. Anke Reiffenstuel.
Binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng aktibong pakikiisa ng mga LGU sa pagtataguyod ng ligtas at inklusibong komunidad para sa lahat.
Nakiisa rin ang iba pang panel speaker tulad nina DJ Ketia, transgender activist mula sa Berlin, Rhadem Musawah, isang gay Moro filmmaker sa Mindanao, at si Celeste Lapida, isang transgender filmmaker at artist sa Manila. Ibinahagi nila ang mga naging hamon sa pagpapalawig ng queer safe spaces pagdating sa musika at sining.