HAPPY FEAST DAY LA NAVAL!
Nakabalik na sa kanyang tahanan sa Sto. Domingo Church ang imahen ng Mahal na Birhen ng La Naval.
Isang linggong naglibot sa anim na distrito ang Patron ng Lungsod Quezon upang mas mailapit ang pagpapala nito sa mga QCitizens.
Dinaluhan naman ng libo-libong deboto ang Grand Procession para kay La Naval kasama ang 26 Dominican saints sa kahabaan ng Sto. Domingo Avenue, Dapitan St., D. Tuazon Avenue at Quezon Avenue.
Si District 1 Action Officer (AO) Ollie Belmonte naman ang nagbasa ng naipasang QC resolution na nagtatalaga sa buwan ng Oktubre bilang selebrasyon sa anibersaryo ng La Naval bilang patron ng lungsod.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, walang kapantay ang pagmamahal na ibinibigay sa QCitizens ng Birheng Maria dahil sa siksik at umaapaw na biyayang ipinagkakaloob nito sa lungsod.
Dalangin din ng Alkalde na maging mas mapagbigay sa kapwa ang QCitizens at mapalalim pa ang pananampalataya ng bawat isa.
Nakiisa rin sa prusisyon at misa sina Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Chief of Staff Rowena Macatao, District 2 AO Atty. Bong Teodoro, District 3 AO Atty. Tommy De Castro, District 5 AO William Bawag, District 6 AO Atty. Mark Aldave at iba pang opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.