Sa QC, suportado ang MSMEs!
Nagbigay ng inspirational speech si Mayor Joy Belmonte sa kauna-unahang Entrepinoy MSME Conference 2023 ng Entrepinoy Volunteers Foundation Inc. na idinaos sa Miriam College.
Ibinahagi ng Alkalde ang kahalagahan ng pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga MSMEs upang maging matagumpay ang maliliit na kumpanya at negosyo sa lungsod.
Kasama rin sa tinalakay ang mga programang sumusuporta sa QCitizens entrepreneurs, tulad ng StartUP QC, Pangkabuhayan QC, POPQC, at mga livelihood programs na nakatuon sa mga kababaihang benepisyaryo.
Binisita rin ni Mayor Joy ang pop-up booths ng ilang MSMEs kasama si QC Small Business and Cooperatives Development Office head Mona Yap.
Present din sa EMCon 2023 sina Miriam College President Ambassador Laura Q. Del Rosario, Department of Science and Technology-NCR Regional Director Engr. Romelen T. Trevalles, at Entrepinoy Volunteers Foundation Inc. Chairman Fortunato T. Dela Peña.