Taon-taon, nakakaranas ang Quezon City ng malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha. Bukod dito, naramdaman din ang pinaka-maalinsangang init ngayong taon, na nakaapekto sa kabuhayan, kalusugan, at edukasyon.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga suliraning tinutugunan ng C40 Cities, isang grupo ng mga nagkakaisang lider mula sa iba-ibang panig ng mundo. Sa darating na C40 Cities Regional Academy sa Agosto, magtitipon sa Quezon City ang mga kinatawan mula sa iba-ibang bansa upang bumuo ng mga programa at inisyatibong tutugon sa mga problemang kinakaharap ng mga siyudad sa Global South.



