Mainit na tinanggap ng mga QCitizen ang bagong Obispo ng Diocese of Cubao na si Most Reverend Bishop Elias Ayuban Jr.!

Sa Episcopal Ordination at Rite of Canonical Possession ni Bishop Ayuban, tiniyak ni Mayor Joy Belmonte ang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa simbahan para matuldukan na ang mga suliranin sa lipunan tulad ng child labor at online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

Kasama ng alkalde sa seremonya kahapon ng umaga sina Apostolic Nuncio to the Philippines Most Rev. Charles Brown, Apostolic Administrator of the Diocese of Cubao at Bishop-Emeritus Most Rev. Honesto Ongtioco, Our Lady of the Immaculate Conception Cathedral Rector and Parish Priest Rev. Fr. Steven Zabala, at konseho ng Barangay Immaculate Conception.

Si Bishop Ayuban ang humalili kay Bishop-Emeritus Ongtioco na nagsilbi sa Diocese sa loob ng 21 taon.

+18