Dinaluhan ni Mayor Joy Belmonte ang ginanap na Establishing CSO/NGO for Peace and Development na inilunsad ng Barangay and Community Relations Department (BCRD) sa pangunguna ni BRCD head Ricky Corpuz, sa Aberdeen Court, Quezon Avenue.

Pinuntahan ito ng 560 na mga participants mula Districts 1, 3, at 4 na kabilang sa mga sektor ng Neighborhood Associations, Homeowners Associations, at ng urban poor. Nagkaroon din ng mga Peace Building trainings para sa mga benepisyaryo.

Dumalo rin sina ACA Bebot Kimpo, HCDRD head representative Val Gabor, at CPDD Asst. Head Mar Pilar.