Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa Establishing CSO/NGO for Peace and Development event na inilunsad ng Barangay and Community Relations Department (BCRD) sa pangunguna ni BCRD head Ricky Corpuz.
Lumahok dito ang higit 600 na kinatawan mula sa sektor ng kababaihan at solo parents na taga Distrito 1, 2, at 3.
Sa talumpati ni Mayor Joy, binigyang-diin niya na dapat magkaroon ng economic power ang bawat kababaihan sa lungsod. Hinimok din ng Alkalde ang mga benepisyaryo na tangkilikin ang livelihood programs at social services ng pamahalaang lungsod.
Nagkaroon din ng lectures at seminars ang mga kababaihan tungkol sa prevention and conflict transformation, peace and violence, at mga estratehiya para sa mga isyung kabalikat nito.