Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Tuloy-tuloy ang paghahatid ng sergbisyo sa mga QCitizens na pansamantalang lumikas sa Barangay Roxas dulot ng #Habagat.
Namahagi ng hot meals ng Social Services Development Department (SSDD) habang nakaantabay ang mga healthworker ng Quezon City Health Department (QCHD) upang pangalagaan ang kalusugan ng mga evacuee.
Naglaan ang QCHD ng gamot at essential medicines para sa mga bata at matatanda, at patuloy na mino-monitor ang kanilang kalagayan habang nasa evacuation area.
Namahagi rin ang QCHD ng Doxycycline sa mga indibidwal na na-expose o napilitang lumusong sa baha.
Para sa emergency o anumang concern, tumawag sa QC Helpline 122.










