Kinamusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center matapos tumaas ang tubig sa ilang lugar sa Lungsod Quezon bunsod ng #HabagatPH.
Kabilang sa mga binisita ng alkalde ang temporary shelters sa District 1 Barangay Sto. Domingo, Barangay Manresa Covered Court, sa District 5 Barangay Bagbag Covered Court, Barangay Sta. Lucia Multi-Purpose Hall, Barangay North Fairview Covered Court, Fairview Elementary School, at sa District 6 Barangay Apolonio Samson Covered Court upang alamin ang kalagayan at pangangailangan ng mga evacuees.
Inatasan din ni Mayor Joy ang mga naka-deploy na kawani ng lungsod na tiyaking may sapat na pagkain, gamot, maayos na tulugan, at iba pang kinakailangang tulong ang mga pamilyang lumikas.
Patuloy ang pagtugon ng Pamahalaang Lungsod para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat QCitizen. ![]()










