Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang ilan sa mga evacuation center sa District 1 ng lungsod upang personal na kumustahin ang mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng habagat.
Nais tiyakin ni Mayor Joy na mayroong sapat na suplay ng basic needs ang pasilidad tulad ng pagkain, matutulugan, at gamot para sa mga may karamdaman.
Kabilang sa mga binisita ng Alkalde ang evacuees sa Barangay Damayan, Barangay Masambong, Barangay Bahay Toro, Barangay Katipunan at Barangay Del Monte.
Patuloy namang minomonitor ng SSDD, CHD at mga tauhan ng Barangay ang mga pamilyang nasa evacuation centers upang matiyak ang kanilang kaligtasan at kalusugan.




